![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Agwat ng sahod ng mga manggagawa sa kanayunan at lungsod, hadlang sa kaunlaran
PAG-UUSAPAN sa isang pagpupulong kung anong nararapat gawin upang matamo ng Pilipinas ang malawakang kaunlaran. Susuriin din ang tayo ng ekonomiya at pangako ng pamahalaan na patotohanan ang inclusive growth.
Kahit maganda ang sinasabing kinabukasan ng Pilipinas sa mga susunod na taon, nababahala ang mga dalubhasa na ang agwat ng sahod ng mga manggagawang bukid sa mga manggagawa sa lungsod ang sagka sa pagkakaroon ng inclusive at broad-based development.
Pangangasiwaan ng Angara Centre for Law and Economics ang ikalawang roundtable discussion sa paksang "Promoting Inclusive Growth" Identifying Opportunities for Focused Reform".
Kasama ng Angara Centre ang World Bank upang alamin ang mga katatagpuan ng underperformance at inequality sa Pilipinas. Idaraos ito sa ika-20 ng Agosto sa Malcolm Hall, College of Law ng Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman, Quezon City.
Susuriin ang lawak ng agwat ng mga nasa kanayunan at mga lungsod, ang pagtugon ng labor market at pagsakga ng political institutions at pagdudulot ng suliranon sa kinalalabasan ng pamamalakd sa ekonomiya.
Mamumuno sa talakayan sina Dr. James Robinson ng Harvard University, Dr. Pablo Querubin ng New York University at Dr. John C. Nye ng Frederic Bastiat Chair sa larangan ng Political Economy sa Marcatus Center ng George Mason University at Research Director sa Higher School of Economics sa Moscow.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |