|
||||||||
|
||
Department of Labor and Employment, naghahanda ng paglilikas ng mga OFW sa Libya
ISANG koponan ng mga beteranong kawani ng pamahalaan ang tutulong sa contingency team ng Department of Labor and Employment upang makatulong sa paglilikas ng mga Filipinong naiipit sa Libya.
Ayon kay Kalihim Rosalinda Baldoz, paghahanda ito para sa posibleng maramihang pagpapauwi sa mga Filipino na nagnanais nang umuwi mula sa magulong bansa.
Sinang-ayunan din niya ang pagdaragdag ng mga tauhan sa Philippine Overseas Labor Office sa Libya at ang Philippine Rapid Response Team sa Tunisia at Malta.
Nakatakdang umalis patungong Libya at Tunisia sa Martes sina Welfare Officer Ron Lionel Bartolome at labor attaché Naser Munder.
Si Labor Attache Ramon Tionloc ang magtutungo sa Malta upang makasama sa Philippine Rapid Response Team. Samantala si Welfare Officer Cynthia Lamban na nakatalaga sa Italy ang magtutungo rin sa Malta.
Ayon kay Secretary Baldoz, pawang mga beterano ang mga ipadadala sa Libya at Malta.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |