|
||||||||
|
||
140827melo.mp3
|
Isang Visa para sa ASEAN, ipinanukala
MAY posibilidad na magkaroon ng single-visa scheme na makapapayag sa mga Filipino na makapasok sa sampung bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations na hindi na mangangailangan ng travel documents mula sa kanilang nais puntahan.
Sinabi ni Congressman Rufus Rodriguez (2nd District ng Cagayan de Oro City) na ang pagkakaroon ng single-visa system sa ilalim ng kanyang House Resolution 1313 ang magpapalakas ng industriya ng turismo sa bansa.
Maihahambing ito sa unified visa system ng Europa na nakapapayag sa mga non-ASEAN nationals na makapasok sa mga bansa sa Asia sa paggamit ng isang visa upang hindi na magtagal sa pangangalap ng mga dokumento.
Ayon kay Congressman Rodriguez, ang Pilipinas, Indonesia at iba pang mga kalapit bansa ang makikinabang sa single-visa scheme. Mas makabubuting pag-aralan ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang kanyang panukala upang mapag-usapan na ng ibang bansang kabilang sa ASEAN.
Subalit ayon kay Congressman Maximo Rodriguez ng Abante Mindanao, maaaring magtagal ang pagpapatupad nito sapagkat maraming nararapat pag-aralan at suriin.
Ang pagkakaroon ng single-visa scheme ay maaaring maganap sa susunod na anim na taon dahilan sa mga problema sa teknolohiya, politika at isyu ng seguridad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |