|
||||||||
|
||
Mga sakuna sa pagdaragat, madalas maganap sa Pilipinas
KAPABAYAAN ng karamihan ng mga may-ari ng barko ang dahilan kung bakit kinikilala ang Pilipinas na "Capital of Maritime Disasters."
Ito ang pananaw ni Engr. Nelson Ramirez, pangulo ng United Filipino Seafarers sa isang panayam.
Ani Engr. Ramirez, ang mga magdaragat na Filipino ang kabilang sa pinakamagagaling sa mundo at maituturing na "cost effective."
Nakalulungkot nga lamang na karamihan (sa mga may barko) ay hindi nagpapahalaga sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero, kargamento at mga barko.
Idinagdag pa niya na karamihan ay naniniwala na makapaglayag na lang ay tapos na ang kanilang obligasyon.
Marami ng sakuna ang naganap sa Pilipinas mula sa M/V Dona Paza hanggang sa pagbangga ng isang barko ng dating Sulpicio Lines sa isang passenger ferry sa Cebu kamakailan.
Isang problema ay ang ginagawang pagbabago ng disenyo ng mga barkong inangkat mula sa Japan upang magkaroon ng mas maraming pasahero at kargamento. Binigyang-diin ni Engr. Ramirez na sa oras na paki-alaman ang disenyo ng barko, nawawala ang katatagan nitong maglayag. Inihalimbawa niya ang barkong "Princess of the Orient" na lumubog samantalang mayroong Signal No. 1 mula sa PAGASA.
Nailigtas ang mga pasahero ng mga bangkang pangisda na mayroon lamang kapasidad na 150 tons. Dito umano makikita ang kahalagahan ng original na disenyo ng mga barko.
Nagkataon na pinapayagan ng pamahalaan ang mga pagbabago sa disenyo ng mga barko.
Ginunita ni Engr. Ramirez ang ginawa ni MARINA Administrator Nicasio Conti noon na sinuspinde ang may 150 mga barko sa paglalayag dahilan sa kakulangan ng pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |