|
||||||||
|
||
20140822melo.mp3
|
Senador Enrile, suspendido sabi ng Sandiganbayan
NAGDESISYON ang Sandiganbayan na suspendihin si Senador Juan Ponce Enrile ng 90 araw. Hindi nagbago ang desisyon sa pag-apela ng beteranong senador.
Tumanggi ang Third Division sa mosyon ni Senador Enrile sapagkat wala itong kaukulang merito. Aalisin ang suspension ng senador matapos ang 90 araw.
Sa kanyang motion for reconsideration, sinabi ni G. Enrile na ang preventive suspension ng isang mambabatas ay isang administrative measure na dapat ipataw matapos ang administrative proceedings sa Senado. May kakukulang autorisasyon ang Saligang Batas sa senado na magpataw ng parusa laban sa mga kasapi nito.
Idinagdag pa ng mambabatas na walang hurisdiksyon ang Sandiganbayan na maglabas ng administrative order tulad ng preventive suspension sa isang criminal proceeding na mula sa Ombudsman.
Ayon sa taga-usig, may poder ang Sandiganbayan na suspendihin si G. Enrile sapagkat kinikilala ng Korte Suprema ang poder nitong magsuspinde ng sinumang kasapi ng Kongreso.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |