Pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front, nagkasundo
NAUNA sa itinakdang deadline na Lunes, ika-18 ng Agosto, nagkasundo na ang Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front matapos ang serye ng kanilang mga pag-uusap.
Kasama sa mga pagpupulong ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, Office of the Executive Secretary at ang Office of the Chief Presidential Legal Counsel at nagkasundo sa mga isyung bumabalot sa buradol ng Bangsamoro Basic Law na binuo ng Bangsamoro Transition Commission na isinumite kay Pangulong Aquino noong Abril.
Nagkasundo ang magkabilang panig sa mga resolusyon na isasama sa final draft ng Bangsamoro Basic Law na ihahanda at ibibigay kay Pangulong Aquino sa mga susunod na araw.
Lumagda sa pahayag sina Executive Secretary Pacquito N. Ochoa, Jr. at Chairperson Mohager Iqbal ng Bangsamoro Transition Commission.
1 2 3 4