Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isang Visa para sa ASEAN, ipinanukala

(GMT+08:00) 2014-08-27 16:52:06       CRI

Batid ng Malacanang ang DAP

NANINDIGAN si Bayan Muna Congressman Neri Colmenares na batid ng Malacanang na illegal ang Disbursement Acceleration Program.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Congressman Colmenares na batid nina Budget and Management Secretary Florencio Abad na masama at taliwas sa batas ang crossborder transfer ng pondo mula sa ehekutibo patungo sa lehislatura at iba pang mga tanggapan.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ito rin ang pinagtangkaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong kanyang kapanahunan na tinuligsa nila nina Congressman Abad na noo'y kumakatawan sa nag-iisang distrito ng Batanes.

Parang kakaiba ang dating ng pahayag ng mga nasa mayorya na liberal sila sa pagkilala sa impeachment cases na nakasalang sa House Committee on Justice sapagkat maliwanag naman ang nilalaman ng mga reklamong inihain laban kay Pangulong Aquino.

Bagaman, sinabi ni Congressman Colmenares na nararapat lamang bigyan ng pagkakataon si Pangulong Aquino na sagutin ang mga akusasyon sa tamang panahon.

Magugunitang 53 mga mambabatas ang nasabing ang tatlong impeachment complaints ay "sufficient in form."

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>