|
||||||||
|
||
Catholic Social Media Summit tuloy sa Setyembre
ILANG buwan bago dumalaw si Pope Francis sa Pilipinas, isang grupo ng mga kabataang tinaguriang "online missionaries" ang mamumuno sa Catholic Social Media Summit Version 3.0 mula ika-13 hanggang ika-14 ng Setyembre sa Lingayen, Pangasinan.
Pinamumunuan ni Nirva'ana Dela Cruz, ang pagtitipon ay bahagi ng paghahanda sa pagpaparating ng mensahe ni Pope Francis sa karamihan ng mga Katoliko kasabay ng panawagang maging mabubuting mananampalataya.
Ayon kay Jhonsen Sales, ang nangangasiwa sa workshops, magkakaroon ng pitong talakayan upang higit na mapahusay ang kakayahan at pag-unawa sa tema ng pagdalaw ni Pope Francis na "mercy and compassion."
Ang mga advocacies na ito ay magbibigay pansin sa human trafficking, dealing with members of the LGBT community, Marian consecretaiton, social costs of Overseas Filipino Workers, election catechism, pornography at katarungan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |