|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagbibigay ng Bangsamoro Basic Law sa Senado't Kongreso, pinuri
IPINAGPASALAMAT ng United Nations sa Pilipinas ang pagkakaroon ng pagkakasundo sa panukalang Basic Law on the Bangsamoro at pagsusumite nito kay Pangulong Aquino at sa Kongreso.
Sa isang pahayag, sinabi ng United Nations System sa Pilipinas na isang mahalagang bahagi ito ng kasaysayan tungo sa pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro upang makamtan ang matagalang kapayapaan sa kasunduang magdadala ng kaunlaran sa Mindanao at sa buong bansa.
Binati ng mga opisyal ng United Nations sa Pilipinas ang mga kinatawan ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa kanilang tiyaga at magkasundo ayon sa kabutihan ng mas nakararami.
Sa panig ni Canadian Ambassador to the Philippines Neil Reeder, ikinagagalak ng kanyang bansa ang pagpapasa ng panukalang batas sa Kongreso. Ang mga nakatakdang debate ay mahalaga upang makamtan ang matagalang kapayapaan sa bansa. Ang pagpupunyagi ng Bangsamoro Transition Commission at ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang nagbibigay ng bagong pag-asa sa mga mamamayan ng Mindanao, ng Pilipinas at mga kabalikat sa layuning umunlad ang mga mamamayan.
Nangangako rin ang Canada na aktibong makikilahok sa pagtatatag at pagpapatupad ng Bangsamoro.
Bumati rin ang pamunuan ng World Bank sa Pilipinas sa naganap na okasyon kanina. Sa isang statement, ipinagpasalamat ang World Bank sa pagsusumite ng Bangsamoro Basic Law kay Pangulong Aquino na nagkaloob ng dokumento sa mga pinuno ng Senado at Kongreso.
Pinuri ng World Bank ang nagawa ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front Bangsamoro Transition Commission sa pagtatapos ng panukalang batas. Mahalaga ito upang makamtan ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao, dagdag pa ng World Bank.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |