|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga guro, pinapurihan ni Arsobispo Villegas
SA pagdiriwang ng Teachers' Month mula noong ikalimang araw ng Setyembre haggang sa ikalimang araw ng Oktubre, sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas na mahalaga ang papel ng mga guro sa mga kabataan.
Binigyang halaga ng arsobispo ang papel na ginagampanan ng mga magulang tulad ng pagtuturo at pagpapahalaga sa pagdarasal. Inihalimbawa niya ang paglaki ng Panginoong Hesukristo sa Nazareth na walang mga paaralan noon at tanging sina Maria at Jose ang unang mga guro. Kahit pa walang formal schooling ang mga halimbawang ipinakita ng kanyang mga magulang ay naging sandigan ng kaalaman at sa biyaya ng Panginoong Diyos sa kanya.
Natututo ang mga bata sa kanilang nakikita sa loob at labas ng tahanan. Hindi nagtatapos ang pag-aaral ng mga kabataan ngayon sa tahanan at ditto pumapasok ang halaga ng Christian education.
Ayon sa arsobispo, ang mga guro ang humuhubog ng kakayahan at pag-uugali at nagpapakasakit upang maging mabubuting halimbawa sa kanilang mga mag-aaral. Higit sa apat na sulok ng paaralan ang pabguo ng kakayahan at pag-uugali at malaki ang papel ng mga guro sa pagkikintal ng kaisipan hinggil sa pananampalataya.
Idinagdag pa ni Arsobispo Villegas na nakalulungkot na nababalita ang mga gurong umaalis ng Pilipinas upang magkaroon ng mas magandang buhay bilang mga caregiver at domestic helper. Mayroon pa ring mga mga guro sa pribadong paaralan na umaalis at lumilipat sa mga paaralan ng pamahalaan dahil sa mas malaking sahod. Sa likod ng malaking sahod, nahaharap sila sa multi-grade teaching assignments sa malalayong pook sa kanayunan.
Ang mga guro ay maituturing na bayani at mga banal sa kanilang katapatan sa kanilang misyon. Nararapat lamang magpasalamat ang madla sa mga guro at maging sa Department of Education sa pagbabawas ng teacher to pupil ratio at pagkakaloob ng mas mataas na sahod.
Nanawagan din siya sa mga mambabatas na dagdagan pa ang salaping ilalaan sa sektor ng edukasyon. Mahalaga rin ang magiging papel ng mga pari sa pagpapalakas ng catechetical instruction sa mga paaralang publiko sa kanilang mga nasasakupan.
Bilang pangwakas, nanawagan si Arsobispo Villegas sa mga kabataan na mahalin at igalang ang kanilang mga guro na nagsasakripisyo upang mapaganda ang kanilang kinabukasan.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |