|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Isang Canadian national, ipinatatapon palabas ng bansa
IPATATAPON ngayong linggong ito ng Bureau of Immigration ang isang Canadian national matapos manawagan sa mga Filipino na lumahok sa mga gawain ng mga terorista.
Sa isang media forum, sinabi ni Immigration Commissioner Siegfrid Mison na inaalam pa niya ang detalyes ng intelligence reports na may 100 mga Muslim sa Mindanao ang umalis ng bansa bilang tugon sa panawagan ng Islamist militants na lumaban sa Iraq at Syria.
Kinilala ni Mision sa FoCAP forum kanina ang Canadian national sa pangalang Abu Ameenah Bilal Philips na ipatatapon matapos kilalaning isang undesirable alien. Si Philips ang ikalawang foreign national na ipitatapon sa pagpapainit at pangangalp ng mga taong magsagawa ng terrorist activities.
Siniyasat na si Philps sa Davao City noong linggo ilang araw matapos dumating at nakatakdang maglakbay patungong Zamboanga upang magsagawa ng lectures sa lungsod.
Hindi na siya pinapasok sa Alemanya at ilang mga lungsod sa Europa. Ani Mison, nasa pangangalaga ng pulisya si Philips.
Kasama sa blacklist ng Bureau of Immigration ang may 40,000 mga Filipino at mga banyaga, mga Islamic militants, nagtatago sa batas at mga kabilang sa mga criminal gang.
Ayon sa pulisya, si Philips ay isang lecturer sa Islamic at Arabic studies sa Dubai at pinagbawalang pumasok sa America at Australia sapagkat kinikilala siyang panganib sa pambansang seguridad.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |