Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalakhang Maynila, binaha

(GMT+08:00) 2014-09-19 17:23:05       CRI

 

Kalakhang Maynila, binaha

APETADO ANG VISIBILITY SA LAKAS NG ULAN. Halos hindi makita ang mga nasa unahang sasakyan sa lakas ng ulan at hampas ng hangin. Ito ang larawang kuha sa Roxas Blvd. sa Maynila samantalang hinahampas ng malakas na ulan at hangin dala ng habagat na nahigop ni "Mario." (Melo M. Acuna)

NAGSISIMULA NG BUMAHA. Ito ang karaniwang larawan ng mga lansangan sa Metro Manila kaninang umaga. Kuha ang larawang ito sa Quirino Avenue sa Maynila. (Melo M. Acuna)

MATINDING pag-ulan ang naranasan ng Kalakhang Maynila at mga karatig pook dala ng bagyong si "Mario" kaya't maraming mga paaralan ang nagsuspinde ng klase at mga tanggapang nagsara tulad ng Department of Foreign Affairs, Passport section, House of Representatives, Supreme Court of the Philippines at iba pa.

Iniulat ng Metro Manila Development Authority na ilang bahagi ng Epifanio delos Santos Avenue ang binaha tulad ng harap ng Centris at hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan. May baha rin sa Edsa White Plains sa Quezon City at EdSA Tramo sa Pasay City.

Binaha rin ang EdSA Corner Quezon Avenue at Balara sa may Commonwealth Avenue.

Baha rin ang bahagi ng Congressioal Avenue, ang C-5 sa may Tiendesitas sa Pasig at hanggang tuhod naman ang baha sa Katipunan Avenue sa may Ateneo de Manila University.

Hindi rin makaraan ang mga sasakyan sa Espana Boulevard at sa Taft Avenue sa Maynila.

Mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, kasunod ng pahayag ng Malacanang na suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila, suspendido rin ang clearing operations para sa araw na ito. Sa ilalim ng BSP guidelines, ang clearing operations ay suspendido kung maibabalita kaagad ang pagkakasuspinde ng pasok sa pamahalaan bago sumapit ang ika-siyam ng umaga.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>