Higit sa 24 na lalawigan ang kontra sa malawakang pagmimina
SA idinaos na Mining 2014 Conference, sinabi ni Mines and Geosciences Director Leo Jasareno na malaking bahagi ng Pilipinas na kinabibilangan ng higit sa 24 na lalawigan ang tutol sa large-scale mining.
Subalit nagpapatuloy ang small-scale mining. Ipinaliwanag ni Director Jasareno na may mga repormang ipinatutupad ang pamahalaan upang mapanatili na lamang ang small-scale mining sa ilalim ng Minahang Bayan at mahigpit na ipagbawal ang paggamit ng mercury. Ang mga repormang ito ay magtatagumpay sa pagkakaroon ng central processing plants.
Nakatanggap na umano ang kanyang opisina ng 136 na mining applicatons mula noong Marso ng 2013. Pinag-aaralan din ng kanilang tanggapan ang "No-Go" Zone sapagkat sa scale na 1:250,000, nagkakaroon ng 'di pagkakasundo sa mga nasasakop na pook.
Mayroon na rin umanong inter-agency working group na nagsusuri sa isyung dulot ng Tampakan Copper-Gold Project.
1 2 3 4 5 6