Industriya ng Mina sa Pilipinas, problemado
NANINIWALA si James Villafuerte ng Asian Development Bank na nahaharap sa kabit-kabit na problema ang sektor ng pagmimina sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang kakulangan ng kapital, mahinang mga pagawaing-bayan, hindi maayos na regulatory framework, tumataas na resource nationalism, mga problema sa seguridad at mababaw na pakikipagtalastasan sa mga komunidad na kanilang kinalalagyan.
Ayon kay G. Villafuerte, ang team leader ng Asia Regional Integration Center, malalampasan ang mga ito sa paggamit sa mina bilang sandigan ng value addition at commodity-based manufacturing. Maisusulong din ng sektor ang tinaguriang environmentally-sustainable mineral development na sasabayan ng pagiging bukas lalo na sa pakikipag-usap at relasyon sa mga komunidad na kanilang kinalalagyan.
Idinagdag pa ni G. Villafuerte na sa pagkakaroon ng regional integration sa ASEAN, higit na magiging malapit ang mga bansa sa pagbuo ng mga polisiya at suporta sa mga investment sa pagawaing-bayan. Maisusulong din ang joint exploration at paggamit ng mga likas na yaman bilang karagdagan sa paggamit at pagpapalitan ng mga datos sa larangan ng agham at teknolohiya.
1 2 3 4 5 6