|
||||||||
|
||
ASEAN Teacher Education Conference, magtatapos ngayon
PAGPUPULONG NG MGA DALUBHASA SA EDUKASYON, IDINAOS SA MAYNILA. Nagtapos ang tatlong araw na pulong ng mga dalubhasa sa larangan ng teacher education sa pamamagitan ng Philippine Normal University. Ani Dr. Ester B. Ogena, pagkakataon ito upang masimulan ang pagtutulungan ng mga bansang kabilang sa ASEAN. (Melo M. Acuna)
NAIPON sa Maynila ang mga dalubhasa sa larangan ng teacher education mula sa mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations para sa tatlong araw na pagpupulong.
Ayon kay Dr. Ester B. Ogena, Pangulo ng Philippine Normal University, nasimulan na nila ang ASEAN Teacher Education Network na binubuo ng mga pangulo ng mga dalubhasaan at pamantasan sa rehiyon. Sa pagpupulong ding ito pinag-usapan ang paghahanap ng pagkakahalintulad ng mga palatuntunan sa pagsasanay ng mga magiging guro. Nagpalitan sila ng mga pananaw at pinag-aralang paraan kung paano magkakatulungan ang mga Teacher Education Universities.
Ipinaliwanag pa ni Dr. Ogena na mahalaga ang unang hakbang na ito sapagkat patuloy na nagbabago ang larangan ng edukasyon sa panahong ito. Kailangang magsama-sama ang mga dalubhasa sa ASEAN upang isulong ang kahalagahan ng teacher education sa rehiyon, dagdag pa ng pangulo ng PNU.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |