Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalakhang Maynila, binaha

(GMT+08:00) 2014-09-19 17:23:05       CRI

Ambulance service inaayos na

AMBULANCE SERVICE MALAPIT NG PAKINABANGAN NG MADLA. Sinabi ni Health Undersecretary Teodoro Herbosa na madali nang makinabang ang madla sa ambulance service. Makapagliligtas ng mas maraming mga maysakit sa oras na masimulan ang bagong programang ito. (Melo M. ACuna)

MADALI ng magkatotoo ang pinag-isang ambulance service para sa mga Filipino. Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Teodoro Herbosa sa isang panayam.

Nagpulong na ang mga opisyal ng Department of Interior and Local Government, Department of National Defense, Philippine Red Cross at ang mga kinatawan ng pribadong sektor upang pag-isahin ang pamantayan sa pagsasanay at pag-aalaga sa mga nangangailangan ng emergency assistance.

Maihahalintulad ito sa "911 System" sa Estados Unidos at iba pang bansa. Nangangailangan ng ambulansya ang mga mamamayang magkakaroon ng atake sa puso, stroke at pagkakasugat o trauma na karaniwang nararanasan ng mga Filipino. Ang mga karamdamang dulot ng cancer at sakit sa bato ay mangangailangan din ng ambulance service.

May mga pagkakataong dumarating ang pasyente sa pagamutan nang naghihingalo na kaya't mahalaga ang papel ng local government unit at mga volunteer organizations.

Ani Undersecretary Herbosa, sa Metro Manila ay may mga samahang tumutulong, mga mula sa pribadong sektor at maging Metro Manila Development Authority. Sa Cebu at Davao ay may kahalintulad ring serbisyo.

Kailangan lamang magkaroon ng tatlong numerong tatawagan upang makatugon ang ambulansya. Sinabi ni Dr. Herbosa na problema ang 117 sapagkat sa pagsubok sa isang pagdinig sa Senado, dumating ang ambulansya matapos ang dalawang oras.

Bukod sa serbisyo ng ambulansya, may sasagot sa numerong tatawagan upang magpayo sa kamag-anak ng nangangailangan ng evacuation, magmumungkahi ng nararapat gawin upang mailigtas ang pasyente.

Sa Davao City, ginagamit nila ang numerong 911 samantalang may kakaibang number para sa Cebu City. Ani Dr. Herbosa, sa Metro Manila, pag ginamit ang 911 at nasundan pa ng apat na numero, pizza delivery ang sasagot.

Kasabay nito, kumikilos na rin ang Department of Health upang magkaroon ng mas maraming ospital na makadadalo sa mga maysakit sa puso. Layunin nitong mabawasan ang mga pasyente sa Philippine Heart Center na mayroong pila na 3,000 kataong ooperahan. Nagbabago pa ito sa oras na magkaroon ng emergency cases na darating sa pagamutan.

Ipinaliwanag ni Dr. Herbosa na ang Davao Medical Center ay nakagagawa na ng regular na open-heart surgery matapos sanayin ng mga manggagamot mula sa Philippine Heart Center.

Magkakaroon na rin ng kakayahan ang Vicente Sotto Medical Center sa Cebu samantalang makakasabay nito ang Bicol Regional Teaching and Training Hospital sa Legazpi City. Target din nilang isailalim sa pagsasanay at pagkakaroon ng makabagong kagamitan ang mga ospital sa Cagayan Valley at sa Cabanatuan City.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>