Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalakhang Maynila, binaha

(GMT+08:00) 2014-09-19 17:23:05       CRI

Mga kawal mula sa Golan Heights, pauwi na

NAKATAKDANG dumating ngayong araw ng Biyernes ang unang koponan ng mga kawal mula sa Golan Heights sa pagitan ng Syria at Israel. Ang 244 katao ang darating ngayon samantalang ang 85 iba pa ay darating sa Linggo. Sasailalim sila sa medical examinations sa pagdating sa Maynila.

Ayon kay Colonel Ramon Zagala, natapos na ng mga kawal ang kanilang misyon bilang bahagi ng United Nations Disengagement Observer Force. Pinamunuan ni Colonel Ted Damusmog ang 7th Philippine Contingent to Golan Heights.

Dadalaw sila kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at maging sa House of Representatives. Isang motorcade ang nakatakdang gawin sa kanilang karangalan.

Nakasagupa nila ang mga rebeldeng kaalyado ng Al-Qaeda sa Syria matapos pagtangkaan nilang pasukin ang Positions 68 at 69 sa panig ng Syria sa Golan Heights.

Nakipagputukan sila sa mga rebelde kahit pa napasok nila ang kuta ng 45 kawal mula sa Fiji. Nakipagputukan ang mga kawal sa Position 68 samantalang nakalikas ang mga kawal sa Position 69 sa mas ligtas na posisyon sa tulong ng quick reaction force ng UNDOF.

Ang nalalabing peacekeepers na nauubusan nan g bala ay nakalikas patungo sa kanilang kampo sa Faouar noong a-treinta ng Agosto at natapos din ang stand-off.

Sa pagpapatuloy ng kaguluhan sa panig ng Syria sa Golan Heights, inilipat na ang lahat ng peacekeepers sa panig ng Israel. Sa paglilipat na ito, praktikal na desisyon ang pagpapauwi ng mas maaga sa mga kawal ng Pilipinas.

Isang heroes welcome ang inihanda ng Armed Forces of the Philippines sa mga kawal na mula sa Golan Heights.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>