Mga Guro, pinarangalan sa World Teachers' Day
IPINAGDIWANG ngayong Sabado ang World Teachers' Day ngayon sa Victorias City, Negros Occidental sa pagkilala sa walang humpay na paglilingkod at katapatan ng may 660,000 mga guro sa pagpapalakas ng bansa at komunidad.
Ito ng nagtatapos sa iang buwang pagdiriwang upang ipadama ng Department of Education sa pamumuno ni Bro. Armin Luistro. Mahalaga ang papel ng mga guro, dagdag pa ni Br. Armin. Hindi pa sasapat ang benepisyong natatanggap ng mga guro sa kanilang taos-pusong paglilingkod.
Idinagdag pa niya kung talagang babaguhin ang lipunan at bansa, kailangan ang mga bayaning buhay at marami na sa mga guro ngayon ay maituturing na bayani na.
1 2 3 4