|
||||||||
|
||
Inayos na Public Investment Program, matatagpuan na sa website
MAKIKITA na ng mga interesadong mangalakal sa Pilipinas ang Revalidated Public Investment Program sa pamamagitan ng National Economic and Development Authority website.
Naglalaman ito ng major government programs at mga proyekto na inaasahang makatutulong na makamtan ang Updated Philippine Development Plan 2011-2016.
Nilalaman na nito ang mga nakamtan sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan at mga hamong hinaharap sa mga nalalabing dalawang taon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na napapaloob sa dokumentong ito ang mga karanasan sa unang bahagi ng panunungkulan ng administrasyon. Kumpirmado rin umano na ang magandang pamamalakad na sinabayan ng macroeconomic at political stability na naging sndigan ng matatag na kaunlaran sa larangan ng ekonomiya.
Makatitiyak ang madla na mapangangalagaang mabuti ang salapi ng bayan at maitutuon sa investments na magbabahagi ng biyaya sa madla.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Kalihim Balisacan na binabanggit din sa Revalidated PIP ang mga kailangang pagbabago at paraan upang madama ng mahihirap ang kaunalrang nagaganap sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |