|
||||||||
|
||
Radicalism, pinag-usapan sa pulong sa Maynila
HINILING ni Ambassador Guy Ledoux sa mga samahang sibil, akademya at mga think-tank na tumulong upang maiwasan ang mga pananalakay ng mga terorista sa pagtugon sa tinaguriang radicalization at violent extremism.
Sinabi ni Ambassador Ledoux na naniniwala ang European Union na masusugpo ang terorismo ayon sa kanilang European Union Internal Security Strategy in Action sa kanyang talumpati sa isang pagpupulong hinggil sa Current Dynamics of Radicalism in Southeast Asia na idinaos kamakalawa sa Edsa Shangri-La Hotel.
Ipinaliwanag niyang ang bagong banta sa radikalismo na may kinalaman sa Islamic State sa Gitnang Silangan ay umusbong samantalang umaasang magkakaroon gn kapayapaan sa Muslim Mindanao.
Sa kasunduang nilagdaan noong Marso, nagwakas ang matagal ng kaguluhan at nalutas ang matagal ng sama ng loob na maaaring pagmulan ng radikalismo at mauuwi sa magulong extremism at terorismo kung hindi masusugpo.
Samantalang ang European Union at ilang mga kasaping bansa ang nakatulong na sa Mindanao peace process, mas makabubuting ang proseso ng kapayapaan ay magawa ng mga mamamayan mismo.
Isinulong ng Institute of Bangsamoro Studies ang pagtitipon at suportado ng EU Delegation to the Philippines, Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research at Centre for Humanitarian Dialogue.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |