|
||||||||
|
||
我要7点的叫醒服务 请问几点退房
20141207Aralin34Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Ngayon, kung kailangan din ninyo ng wake-up call para, sa alas-siyete ng umaga, tawagan lang ninyo ang front desk at sabihin sa kanilang: "gusto ko ng wake-up call, alas-siyete ng umaga."
我(wǒ)要(yào)七(qī)点(diǎn)的(de)叫(jiào)醒(xǐng)服(fú)务(wù).
我(wǒ),ako.
要(yào), kailangan o gusto.
七(qī), siyete; 点(diǎn), takdang oras; 七(qī)点(diǎn), alas-siyete.
叫(jiào)醒(xǐng), gisingin.
服(fú)务(wù), serbisyo.
Narito natin ang ikatlong usapan:
B: 请问您需要什么服务? Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?
A: 我要7点的叫醒服务。Gusto ko ng wake up call, alas-siyete ng umaga.
At kung tapos na ang panahon ng pananatili ninyo sa hotel, kailangan ninyong mag-check out. Paano sinasabi sa wikang Tsino ang "anong oras ang check out?"
请(qǐng)问(wèn)几(jǐ)点(diǎn)退(tuì)房(fáng)?
请(qǐng), paki-usap; 问(wèn), magtanong; 请(qǐng)问(wèn), mawalang-galang na po.
几(jǐ), alin; 点(diǎn), oras; 几点, anong oras.
退(tuì), isauli; 房(fáng), kuwarto; 退(tuì)房(fáng), check-out.
Narito ang ikaapat na diyalogo:
A: 请问几点退房?Anong oras po kayo magtse-check out?
B: 下午两点之前。Bago mag-alas-dos ng hapon.
Okey, oras na para sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Kung maglalakbay sa Tsina, bukod sa pagsama sa grupo ng mga manlalakbay, ang mga turista ay maari ring maglakbay nang sarilinan. Maari silang humanap ng travel agency na makakapagpa-book ng hotel para sa kanila o maari rin naman silang magsagawa ng reserbasyon sa pamamagitan ng telepono o Internet. Sa mga pangunahing lunsod, bukod sa mga star hotel, mayroon ding mga economy hotel na malinis din naman, abot-kaya ang presyo at mainam na tuluyan. Kung gusto ng isang biyaherong magtungo sa mga lugar na malapit sa gawing labas ng lunsod para sa isang countryside trip, maari siyang tumigil sa mga hostel na pinangangasiwaan mismo ng mga magsasaka at kanilang pamilya.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |