Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aralin Bilang Tatlumpu't Lima Pagpapagupit ng Buhok

(GMT+08:00) 2014-12-18 10:25:22       CRI
.

我想染头发 别剪太短了


Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap

Kung gusto naman ninyong patinaan ng ibang kulay ang inyong buhok, maari ninyong sabihing: Gusto kong magpatina ng buhok. 我(wǒ)想(xiǎng)染(rǎn)头(tóu)发(fà).

我(wǒ), ako.

想(xiǎng), gusto.

染(rǎn), patinaan.

头(tóu), ulo; 发(fà), buhok; 头(tóu)发(fà), buhok.

Narito ang ikalawang usapan:

A: 我(wǒ)想(xiǎng)染(rǎn)头发(tóufà)。Gusto kong magpatina ng buhok.

B: 你(nǐ)想(xiǎng)染(rǎn)什么(shénme)颜色(yánsè)? Anong kulay ang gusto mo?

A: 棕色(zōngsè)怎么样(zěnmeyàng)? Kung brown kaya?

B: 不错(búcuò)。很(hěn)时(shí)髦(máo)。Okey. Cool ang dating ng brown. Usung-uso iyan.

Pagdating naman sa pagpapagupit ng buhok, kung nag-aalangan kayong baka masyadong mapaiksi ang putol ng inyong buhok, maaari ninyong sabihing: "huwag masyadong maiksi."

别(bié)剪(jiǎn)太(tài)短(duǎn)了(le).

别(bié), huwag.

剪(jiǎn), gupitin o putulin.

太(tài), sobra o masyado.

短(duǎn), maiksi.

了(le), katagang panghimok na ginagamit sa hulihan ng pangungusap.

Kasiyahan natin ang ikatlong usapan:

A: 别(bié)剪(jiǎn)太(tài)短(duǎn)了(le)。Huwag masyadong maiksi.

B: 行(xíng),保准(bǎozhǔn)您(nín)满意(mǎnyì)。Okey. Sa tingin ko, masisiyahan ka rito.

Okey, tumungo naman tayo sa Mga Tip ng Kulturang Tsino.

Ang mga hair salon sa Tsina ay may mga propesyonal na hairstylist na siyang nagkakaloob ng serbisyo sa pagpapaganda at pag-aayos ng buhok, kasama na ang pagdedesenyo ng istilo ng buhok--pinakapopular o tradisyonal na ayos ng buhok, paghuhugas ng buhok, paggupit, pagkululay o treatment ng buhok, perms at iba pa. Maganda ang serbisyo at may kasama pang malasakit. Kung kailangan ninyo ang serbisyo ng isang partikular na hairstylist, dapat kayong makipag-appointment sa telepono. Makakabili rin ang mga tao ng mga produktong may kinalaman sa propesyonal na pangangalaga ng buhok sa mga hair salon. Karamihan sa mga salon ay nagkakaloob din sa kanilang mga kostumer ng libreng masahe sa ulo at mga balikat para lalong maging kasiya-siya ang karanasan ng mga ito.

At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon po kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website o email (jadexian.bj@gmail.com). :)

非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!

Maligayang pag-aaral!:)

Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino ==>


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>