Dagdag pasahe sa MRT at LRT, makatarungan
MAKATARUNGAN ang dagdag pasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit System. Kailangan din ito.
Ito ang sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang talumpati sa Romblon kanina. Sa kanyang pagharap sa media, ipinaliwanag niyang nais ng publiko ang mas maganda at maayos na train system kaya't kailangang dagdagan ang pasahe.
Iba't ibang grupo ang dumulog sa Korte Suprema na humihiling na pigilin ang pamahalaan sa pagpapatupad ng dagdag pasahe. Sinabi ni Pangulong Aquino na hindi dapat pasanin ng bulong bansa ang dagdag pasahe samantalang dapat magbayad ang mga pasahero ng P 60 sa halip na P 15.
1 2 3 4 5