Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Acting Secretary Garin, mahihirang na kalihim ng Kagawan ng Kalusugan

(GMT+08:00) 2015-01-09 17:40:54       CRI

Milyon ang dumalo sa prusisyon ng Itim na Nazareno

NAKARATING na sa Pambansang Museo ang karong kinalalagyan ng Itim na Nazareno ganap na ikalawa ng hapon matapos makaalis Ito sa Quirino Grandstand ganap na ikawalo ng umaga.

Dadalhin na ang imahen sa Basilica Minore ng Itim na Nazareno Sa Quiapo. Ayon sa pulisya, tinatayang isang milyon katao ang lumahok sa prusisyon.

Isang deboto ang nasawi matapos himatayin kaninang umaga sa rota ng prusisyon. Kasama siya sa grupong "Hijos de Nazareno" at deklaradong "dead on arrival" sa Manila Doctors Hospital. May 84 na iba pa ang nangailangan ng medical attention.

Sinabi naman ng Philippine Red Cross na mayrong higit sa 300 deboto ang nasugatan samantalang daan-daang iba pa ang nangailangang magamot sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno.

Sa kanilang balitang inilabas sa social media, 986 ang natulungan sa pamamagitan ng first aid at ng kanilang mga ambulansya. May 619 ang tumaas ang blood pressure samantalang may 353 ang nagpalinis ng kanilang mga sugat na natamo. Siyam katao ang nahirapang huminga.

Ang pinaniniwalaang milagrosong imahen ay dinala ng mga misyonerong Agustino mula sa Mexico noong 1607. Nasunog ang barkong kinasasakyan nito kaya't nagkulay-itim ang imahen.

Ginugunita ng traslacion ang unang paglilipat ng imahen mula sa Intramuros patungo sa Quiapo noong ika-siyam ng Enero 1767. Umaasa ang mga namumuno sa prusisyon na magkakaroon ng 10 milyong deboto ngayong taon.

Noong 2012, tumagal ang prusisyon ng 22 oras.

Ang kapistahan ng Itim na Nazareno ay siyang panimula sa mas mataong mga okasyon sa darating an Huwebes, ika-15 hanggang Lunes, ika-19 ng Enero sa pagdalaw ni Pope Francis sa Maynila at sa Tacloban City at Palo sa Leyte.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>