|
||||||||
|
||
Pulisya, nailigtas ang may 40 kababaihan mula sa illegal recruiters
TAGUMPAY ang ginawang pananalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police sa Metro Manila at Cavite.
May 40 kababaihan na kinabibilangan ng isang menor de edad ang nailigtas matapos pangakuan ng trabaho sa Middle East ng AFT International Manpower Services.
Dalawang illegal recruiter na kinilalang sina Pretty Mary Mahamud alais Perla Lagarde at Nilda Binondo ang nadakip.
Mga kawani umano ng AFT International sina Lagarde at Binondo na mayroong anim na tanggapan sa ikalawang palapag ng Gedisco Center sa A. Mabini, Ermita, Manila.
Inalam ng pulisya ang tayo ng ahensya at nabatid na wala na itong kaukulang permiso. Nabimbin ang mga kababaihan sa kanilang opisina sa Aranay, Makati, Taguig City at Bacoor, Cavite. Nagasta na umano nina Lagarde at Binondo ang salaping ibinayad ng mga biktimang mula sa Palawan at Dumaguete.
Tinatratong mga hayop ang mga naging biktima. Hindi sila pinayagang makaalis ng tanggapan at hindi pinayagang gumamit ng kanilang mobile phones. Sinamsam din ng dalawa ang kanilang travel documents.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |