Mga lider ng gang sa Muntinlupa, mahaharap sa disciplinary action
MAY 12 mga lider ng iba't ibang gang sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons ang mahaharap sa isolation sanhi ng pagsabog ng granada kahapon.
Si Kalihim Leila de Lima ang nag-utos na isailalim sa isolation ang mga bilanggo at binigyan ng dalawang oras na kilalanin ang nasa likod ng pagsabog ng isang granada na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng may 19 na iba pa.
Hindi makatatanggap ng dalaw ang mga bilanggo samantalang nasa disciplinary cell.
Magugunitang nasamsam ng mga tauhan ng Kagawaran ng Katarungan at National Bureau of Investigation ang mga kontrabando, salapi, mobile phones sa sunod-sunod na pananalakay sa maximum security compound.
1 2 3 4 5