|
||||||||
|
||
Katahimikan ni Pangulong Aquino hinggil kay General Purisima, problema rin
SINABI ni dating Pangulong Fidel V. Ramos kanina na ang katahimikan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III hinggil sa mga gawa at gawi ni General Alan Purisima ay bahagi ng problema.
Tumanggi ang Palasyo Malacanang sa mga balita na lumipad si Purisima patungo sa Saipan upang dumalo sa isang okasyon ng isang samahang pinamumunuan niya.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni G. Ramos na ang matagal na pananahimik ni Pangulong Aquino sa kinaroroonan at gawi ng suspendidong PNP chief na si Alan Purisima ay isa pang bahagi ng problema.
Bilang commander-in-chief,maaaring nabigyan ng permisong maglakbay palabas ng bansa kung totoo man ang mga balita. Kung nakalabas man siya ng bansa. may poder si Pangulong Aquino na pauwiin siya sa Pilipinas.
Idinagdag pa ni G. Ramos na nararapat umanong paghusayin ng pamahalaan ang peace process sa Mindanao. Nararapat lamang magkaroon ng mas magandang kinabukasan at hindi pumatay ng tao.
Ipinaliwanag pa ng dating pangulo na maaaring misyon ng pulisya na wasakin ang Moro Islamic Liberation Front bases at dakpin ang mga teroristang tulad ni Marwan subalit ang isyu ng politika ay makamtan ang kapayapaan at kaunlaran.
Maaari umanong anyayahan si Pangulong Aquino sa gagawing pagsisiyasat ng Truth Commission upang mabatid ang mga pangyayari tungo sa madugong sagupaan.
Samantala, sinabi ng abogado ni General Purisima na dadalo ang suspendidong pinuno ng pulisya sa pagdinig ng Senado hinggil sa Mamasapano operation.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |