|
||||||||
|
||
Public Attorneys Office, tuloy sa pagdalaw sa mga bilanggo
PAGDALAW SA MGA PIITAN, TULOY. Ito ang sinabi ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta sa isang panayam ng CBCP Online Radio. Ipinaliwanag ni Atty. Acosta na may mga bilanggong nagtatagal sa piitan sa kakulangan ng abogadong kakatawan sa kanila sa paglilitis. Marapat lamang tunghayan ang mga problemang pangkalusugan at legal ng mga napipiit sapagkat nalilimutan na rin sila ng mga kamag-anak at ilang kinatawan ng lipunan, dagdag pa ni Atty. Acosta. (Melo M. Acuna)
MAGPAPATULOY ang mga pagdalaw ng mga abogado, manggagamot at dentista ng Public Attorneys' Office sa iba't ibang bilangguan sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa.
Sa panayam kay Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta matapos ang kanilang pagdalaw sa PNP Maximum Security Compound sa Campo Crame, na kinalalagyan ng mga retiradong general ng PNP, mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon at iba pang mga may usapin.
Ani Atty. Acosta, nakapamahagi sila ng mga gamot at salamin. May ilang mga pulis na walang abogado na kumakatawan sa kanila sa mga usaping nasa hukuman kaya't inatasan niya ang mga abogado mula sa Quezon City District na paglingkuran ang akusado.
Sinimulan ng Public Attorneys Office ang pagdalaw sa iba't ibang piitan noong 2007 at nakadalo na sa libu-libong mga bilanggo hanggang sa National Bilibid Prison, Women's Correctional Institute at mga piitan sa iba't ibang lalawigan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |