|
||||||||
|
||
150122m.mp3
|
Malacanang, naghahanap na itatalagang pinuno ng Comelec, CoA at Civil Service Commission
NAGHAHANAP na ng pamalit ang Malacanang sa mga magtatapos maglingkod bilang chairpersons ng Commission on Elections, Commission on Audit at Civil Service Commission.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. na masusing proseso ang ginagawa ng Malacanang upang matiyak na makatutugon sa inaasahan ng publiko ang kakayahan at integridad ang mga itatalaga.
Nagpapatuloy pa ang proseso upang matiyak na magiging karapat-dapat sa kanilang magiging tungkulin.
Walang kumpirmasyon kung si Justice Secretary Leila de Lima ang magtutungo sa Comelec at BIR Commissioner Kim Henares naman sa Commission on Audit. Magreretiro na si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. sa Pebrero kasama sina Commissioner Elias Yusoph at Lucenito Tagle. Magreretiro sila samantalang naghahanda para sa halalan sa 2016.
Magtatapos na rin ang tungkulin nina CoA Chairprerson Grace Pulido-Tan at CSC Chairman Francisco Duque matapos halindan ang mga hindi natapos na panunungkulan ng mga nauna sa kanila.
Pitong taon ang panunungkulan sa alin mang constitutional body.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |