|
||||||||
|
||
Problema sa Truth Commission nababanaag
SINABI ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na magkakaproblema ang binabalak na "Truth Commission" na magsisiyasat sa sagupaang naganap sa Mamasapano kung si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III mismo ang pipili ng makakasama sa lupon.
Ayon kay G. Binay, magdududa ang bayan kung susundin ni Pangulong Aquino ang mungkahi ng ilang mga senador na siya na mismo ang pumili ng magsisiyasat.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Binay na pabor siya sa pagbuo ng isang lupon na magsusuri sa mga naganap bago nasawi ang mga police operatives. Iminungkahi ng pangalawang pangulo na nararapat maging malaya ang lupon sa anumang politika.
Imungukahi niyang makasama ang Simbahang Katolika at iba pang mga relihiyon sa bubuuhing fact-finding commission na nararapat kabilangan ng dating chief justices ng Korte Suprema at iba pang mga mamamayang hindi kilalang may koneksyon sa administrasyon at samahang politikal.
Naunang iminungkahi ni Senador Teofisto Guingona III na bumuo ng Truth Commission na nakasalalay sa mahihirang ng mga kasama sa magsisiyasat sa desisyon ni Pangulong Aquino.
Iminungkahi ni Senador Guingona na makasama sa lupon sina dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide, Sr. at dating Senador Wigberto Tanada.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |