Ulat ng MILF sa Mamapasano, makakarating sa Senado
TINIYAK ni Secretary Teresita Quintos-Deles, presidential adviser on the peace process na makararating ang sipi ng ulat ng Special Investigation Committee ng Moro Islamic Liberation Front hinggil sa naganap sa Mamasapano.
Sinabi ni Secretary Deles na natanggap nila ang liham ni Senador Ferdinand Marcos, Jr. hinggil sa napipintong pinagsanib na pagdinig ng Committee on Local Government at Committee on peace, unification and Reconciliation sa dararing na ika-13 ng Abril. Nakatakdang pag-usapan ang Government of the Philippines-Moro Islamic Liberation Front ceasefire mechanisms.
Makakarating ang kopya ng ulat matapos ang formal transmittal na idadaan sa International Monitoring Team. Naunang sinabi ni MILF Chief Negotiator Mohager Iqbal na makakarating ang kopya ng kanilang ulat matapos ipadala sa International Monitoring Team.
1 2 3 4 5 6