|
||||||||
|
||
Pandaigdigang pulong, idaraos sa Maynila
GAGAWIN ang ika-15 taunang Forbes Global Chief Executive Officers Conference sa Maynila mula ika-12 hanggang ika-14 ng Oktubre. Ito ang inihayag ng Forbes Media LCC sa Singapore.
May temang "Toward a Winning Vision," ang Forbes Global CEO Conference ay tatalakay kung paano makakagawa ang mga lkumpanya ng kanilang paraan upang isulong ang kanilang mga kalakal. May 50 mga taga-pagsalitang dadalo sa pagtitipon.
Ang mga paksa ay kinabibilangan ng pandaigdigang ekonomiya, investment strategiers, energy, technology and innovation, emerging markets, leadership, succession at philanthropy.
Ayon kay Teresita Sy-Coson, Vice Chairperson ng SM Investments Corporation at Chairman ng BDO Unibank na ikinatutuwa nilang maging punong abala kasama ang ICTSI sa darating na pagpupulong. Matatag umano ang pinagmulan ng Forbes sa pagtitipon ng mga chief executive officers ng mga kumpanya sa pamamagitan ng mga pandaigdigang pulong.
Ayon kay Enrique K. Razon, Jr., chairman at pangulo ng ICTSI at Chairman ng Bloombery Resorts Corporation, nakikinabang ang Pilipinas sa paglago ng ekonomiya sa paglaki ng middle class, mas magandang pagawaing-bayan, magandang performance sa regional trade at isa rin sa pinakamagandang pasyalan ng mga turista.
Kasama rin sa mangangasiwa si G. Ramon S. Ang, president at Chief Operating Officer ng San Miguel Corporation sa mahalagang pagpupulong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |