Dating Pangulong Ramos, nagtataka kung bakit hindi makahingi ng paumanhin si Pangulong Aquino
PINUNA ni dating Pangulong Fidel V. Ramos si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kung bakit hirap na humingi ng tawad sa napalpak na operasyon ng Special Action Force sa Maguindanao na ikinasawi ng may 65 katao noong nakalipas na Enero.
Sa isang press conference, pinuna ni G. Ramos ang patuloy na pagtanggi ng kasalukuyang pangulo sa madugong pangyayari. Kung humingi lamang ng paumanhin si G. Aquino ay nakabawi na sana siya. Nagkaton lamang na tila huli na ang lahat.
Ang paghingi ng kapatawatan ng tapat ang makakabawas sa sama ng loob ng mga naulila at iba pang mga mamamayan. Ang patuloy na pagtanggi ni Pangulong Aquino na humingi ng paumanhin ang dahilan kaya't lumalakas ang panawagang magbitiw na siya sa puesto.
Palaging sinasabi ng mga tagapagsalita ng Malacanang na inamin na ni Pangulong Aquino ang responsibilidad bagama't walang anumang hininging paumanhin sa bansa at mga mamamayan.
1 2 3 4 5 6