Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labing-limang senador, lumagda sa ulat hinggil sa responsibilidad ni Pangulong Aquino sa Mamasapano

(GMT+08:00) 2015-03-18 18:50:09       CRI

Mga turista sa Bicol, dumarami

TSINA, PANGALAWA SA MGA BANYAGANG DUMADALAW SA BICOL.  Kasunod ng Estados Unidos ang Tsina sa dami ng mga turistang dumadalaw sa Bicol Region.  Ayon kay Tourism Director Maria Ravanilla, pangatlo ang mga Aleman, pang-apat ang mula sa Timog Korea at panglima ang mga nagmuila sa Australia.  Umaasa si Director Ravanilla na madaragdagan pa ang mga banyagang dadalaw sa Bicol na kinatatagpuan ng bulkang Mayon at magagandang mga tabing-dagat.  (Melo M. Acuna)

UMABOT sa 700,000 mga turista ang dumalaw sa Bicol Region noong nakalipas na taon. Patuloy umanong lumalaki ang bilang ng mga banyagang turista na mula sa Estados Unidos, Tsina, Alemanya, Timog Korea at Australia.

Ito ang sinabi ni Tourism Regional Director Maria Ravanilla sa isang panayam sa Lungsod ng Legazpi kanina. Target nilang magkaroon ng isang milyong mga turista pagsapit ng 2016.

Layunin nilang makapag-ambag man lamang ng 10% sa target ng Department of tourism na 10 milyong tourist arrivals sa 2016. Masaya si Director Ravanilla sapagkat mayroong mga investors na nagtatayo ng mga hotel at iba pang tourism-related facilities.

Nagpapasalamat din siya sa Aquino Administration sa paglalagay ng mga lansangan at iba pang pagawaing-bayan tungo sa mga magagandang tanawin sa Bicol. Isinusulong nila ni Albay Governor Jose Sarte Salceda ang mga magagandang tanawin sa AlMaSor o Albay, Masbate at Sorsogon.

Makakatulong din ang pagdating ng mga turista sa "Triple C" o Catanduanes, Camarines Sur at Camarines Norte na mayroon ding mga magagandang pook. Bagaman, inamin ni Director Ravanilla na mas maraming domestic tourists sa Camarines Sur dahil sa Penafrancia Pilgrimage na dinadayo ng mga deboto sa bawat Setyembre.

Karamihan ng mga banyagang turista ang dumadalaw sa Albay, Sorsogon at Masbate.

Malaking tulong din ang mga kumbensyon na idinaraos sa Legazpi City na dinadaluhan ng mula 4,000 hangang 5,000 mga delegado.

Higit umanong madagaragdagan ang mga turistang dadalaw sa Bicol Region sa oras na mapakinabangan na ang mga tren ng Philippine National Railways.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>