|
||||||||
|
||
150319melo.m4a
|
Director Napeñas, haharap sa Ombudsman
HANDANG humarap sa Ombudsman si dating Special Action Force Director Getulio Napeñas kahit pa madiin si Pangulong Aquino sa kapalpakang naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.
Ayon sa media reports, sinabi ni Atty. Vitaliano Aguirre, nagtungo na sa Ombdusman si Director Napeñas kahapon para sa isang clarificatory hearing na bahagi ng fact-finding probe.
Sinagot ni Napeñas ang findings ng Philippine National Police Board of Inquiry na nagsasabing kasalanan niya ang lahat ng hindi magkaroon ng koordinasyon sa militar tungkol sa inilihim na anti-terror campaign.
Tumagal ang sagupaan ng 12 oras na ikinasawi ng 44 na tauhan ng SAF, 18 MILF elements at limang sibilyan. Niliwanag ni Napeñas na si Pangulong Aquino ang nagbigay ng go-signal sa operasyon ng hindi magbigay ng anumang pahayag sa time on target operation.
Ayon kay Napeñas, ang pananahimik ni Pangulong Aquino ay pagbibigay ng go-signal sa operasyon. Wala umanong intensyon si Director Napeñas na idiin ang pangulo, dagdag ni Atty. Aguirre.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |