|
||||||||
|
||
Mababang Kapulungan, nakalikom ng P 5.3 milyon para sa Fallen 44
MAY P 5.2 milyon ang nalikom mula sa mga mambabatas, mga kawani at mga tauhan ng mga mamababatas upang ipgkaloob sa mga naulila ng Fallen 44, 15 mga nakaligtas at 15 mga nasugatan sa masaker na naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Ipinasa ng mga mambabatas ang House Resolution No. 181 na isinama sa House Resolution 186 noong ikatlong araw ng Pebrero.
Akda ni Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. ang resolusyon bilang pasasalamat sa paglilingkod ng mga pulis mula sa Special Action Force. Hiningan ang mga mambabatas ng tig-sasampung libong pisong donasyon subalit mas marami ang nagbigay ng higit sa P 10,000.
Ibinigay ang nalikom sa PNP Directorate for Comptrolleship at iba pang mga opisyal. Nakalikom ng P 4,889,000 mula sa mga mambabatas, P100,000 mula sa Party List Coalition Foundation, P225,800 mula sa Secretariat officials at employees, P 65,100 mula sa congressional staff at P20,100 mula sa contractual employees.
Nagbigay si Speaker Belmonte at Congressman Emmanuel "Manny" Pacquiao ng tiglilimang-daang libong piso.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |