|
||||||||
|
||
Metro Rail Transit III, sasailalim na naman ng pag-aayos
AAYUSIN na naman ang Metro Rail Transit III sa darating na Sabado upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero. Magugunitang inulan ng batikos ang Aquino Administration dahilan sa palpal na maintenance ng mass transport system sa Metro Manila. Milyong mga pasahero ang tumatangkilik sa mga MRT at LRT sa bawat araw.
Pagsapit ng Linggo, magsisimula ang operasyon ng MRT III sa ganap na ika-sampu ng umaga.
Ayon kay Transport and Communications Secretry Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, kailangang ayusin ang daang-bakal upang matiyak ang kaligtasan ng mga sumasakay.
May 192 metrong riles ang papalitan sa pagitan ng Taft Avenue at Magallanes Stations. Aabot naman sa 7,296 na metrong riles ang darating sa Hunyo 2015 at gagamiting pamalit sa mga nasira nang riles.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |