|
||||||||
|
||
Gamitin ang "sobrang" silid-aralan para sa K to 12
MAY angkop na solusyon sa sinasabing kakulangan ng silid-aralan sa pagpapatupad ng K to 12. Ito ang paniniwala ng Philippine Institute for Development Studies na nag-aalok ng solusyon sa mga pangamba ng iba't ibang sektor ng lipunan.
Ayon kay Dr. Rosario G. Manasan, isang PIDS senior research fellow, ang mga kolehiyo o higher education institutes ang makapag-aalok ng "sobrang"silid-aralan na hindi magagamit at mga gurong walang tuturuan sa school year 2016-2017.
Ginawa ni Dr. Manasan ang rekomendasyon sa kanyang policy note na may pamagat na "K to 12 Reform: Implications adding Grades 11 and 12 on the higher education subsector" na nagsuri sa epekto ng mga pangangailangan sa K to 12 program sa supply capacities ng mga secondary school at higher education institutes.
Ayon sa Senior High School Absorptive Capacity Study na ginawa ng Asian Development Bank, nabatid na upang makapasok ang lahat ng mag-aaral na aakyat sa public senior high school, kailangang magtayo ng Department of Education ng 27,000 mga bagong silid-aralan sa school year 2016-2017 at 23,812 dagdag na silid-aralan sa school year 2017-2018. Kailangan ding kumuha ng dagdag na mga guro, mula sa 46,000 sa 2016 at 38,700 sa taong 2017.
Ayon sa mga pumupuna, ang programa ay magdudulot ng bagong mga problema at magpapalala sa mga isyun tulad ng kakulangan ng pagawaing-bayan, kulang sa sahod na mga guro at walang pondong kagamitan sa paaralan.
Nanindigan ang pamahalaan na kailangang ituloy ang reform program na matagal na sanang ipinatupad dahilan sa matinding kompetisyong kinakaharap ng Philippine education system.
Ang mga rekomendasyon ni Manasan ay dagdag sa mga tugon ng pamahalaan sa pamamagitan ng education cluster at coordinating agencies, kabilang na ang Commission on Higher Education at Department of Labor and Employment na magsuri ng mas malawakan at karagdagang programa, kabilang na ang mga paaralang nagbabalak magbukas ng secondary high schools.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |