|
||||||||
|
||
Dagdag na P 15 bawat araw sa mga manggagawa, kulang pa rin
ANG ipinasang desisyon ng wage board sa Metro Manila na nagkakahalaga ng P 15 bawat araw ay 44% lamang ng tinatayang sahod na kailangan ng isang pamilya upang mabuhay ng maayos.
Ito ang sinabi ng research group na IBON. Sa kanilang pagsusuri, ang Tripartite Wages and Productivity Board ng Metro Manila ay naglabas ng P 15 dagdag ngayong linggong ito kaya't umabot nasa P 481 ang minimum wage.
Ayon sa IBON, ang increase ay barya sapagkat hindi lamang ito mararamdaman ng pamilyang may anim katao na dapat umabot ng P 1,088. Patuloy na tumataas ang halaga ng mga pangangailangan sa Metro Manila, dagdag pa ng IBON.
Higit umano sa kalahati ng mga manggagawa ay wage and salary workers at malaki ng kanilang pangangailangan upang mabuhay. Mapapasigla nila ang ekonomiya nagkataon nga lamang na 71% sa mga ito ang tumatanggap ng minimum wage o mas mababa pa sa minimum wage.
Kung sakaling magkatotoo ang kahilingang magkaroon ng P 16,000 buwanang minimum wage, mababawasan lamang ang kita ng mga kumpanya ng 17.1% sa kanilang regular na tubo. Mayroon pa ring mananatiling tubo para sa kanilang investments, dagdag pa ng IBON.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |