Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, humiling ng pag-unawa, hindi paumanhin

(GMT+08:00) 2015-03-26 18:56:20       CRI

Pangulong Aquino, humiling ng pag-unawa, hindi paumanhin

HUMINGI ng pag-unawa si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa madla sa naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Enero 25. Wala siyang binanggit na humihingi siya ng paumanhin sa pagkakamali.

Ito ang isa sa mga naging bahagi ng kanyang talumpati sa pagtatapos ng Lakandula Class ng Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite kaninang umaga.

Ikinalungkot ni Pangulong Aquino na hindi man lamang siya tinanong ng Board of Inquiry at ng Senado ng Pilipinas bago naglabas ng kanilang hiwalay na ulat hinggil sa mga pagsisiyasat na naganap. Pawang espekulasyon umano ang lumabas sa ulat sapagkat hula ang ginamit sa halip na datos.

Magugunitang humiling ang Board of Inquiry ng Philippine National Police ng panahon kay Pangulong Aquino nja matanong sa naganap at idinaan ang kahilingan kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II. Ani Secretary Roxas, nakalimutan niyang sabihin sa pangulo ang kahilingan ng lupon.

Samantala, sinabi naman ni Senador Grace Poe na hindi nila inanyayahan si Pangulong Aquino bilang paggalang sa co-equal branch ng pamahalaan. Magugunitang ang lehislatura, ehekutibo at mga hukuman ay hiwalay na sangay ng pamahalaan subalit magkakapantay na lupon.

Ipinaliwanag ni Pangulong Aquino na mali ang datos na ibinigay sa kanya kaya't mali ang naging desisyong nagmula sa kanya. Hindi umano niya hahayang mauwi sa isang suicide mission ang sinuman sapagkat sa oras na makita niyang malubha ang panganib sa buhay ng mga alagad ng pamahalaan, siya na mismo ang magbabawal na ituloy ang operasyon.

Wala umanong nagsabi sa kanyang mahigpit ang pangangailangan na magkaroon ng reinforcement ang naipit na mga tauhan ng Special Action Force.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>