Arsobispo Tirona, nanawagan sa madla ngayong Semana Santa
HINILING ni Arsobispo Rolando Tria-Tirona, ang chairman ng National Secretariat for Social Action, Justice and Peace sa mga mamamayan na ituloy ang suporta sa programang "Alay Kapwa" na layuning makalikom na salapi para sa mga mahihirap, mga nagigipit at mga biktima ng mga kalamidad.
Kung naialay ng Panginoong Hesukristo ang kanyang sarili kailangang isaisip ng madla ang kanilang kapwang nangangailangan ng tulong. Ang mga ambag sa "Alay Kapwa" ang ginagamit na panustos sa iba't ibang mga palatuntunang kinabibilangan ng maayos na pamamalakad sa pamahalaan, matatag na sektor ng pagsasaka at karapatan ng mg akabataan at kababaihan.
Nakapagbigay ang pondong nalikom sa ilalim ng "Alay Kapwa" sa mga biktima ni Ruby at Seniang sa halagang P 4,944,155 sa mga apektadong mga diyosesis. Sinimulan ang kampanyang ito noong 1975 at nagpapatuloy hanggang ngayon.
1 2 3 4