Ombudsman, dumulog sa Korte Suprema; Korte Suprema, inutusan ang Court of Appeals
DUMULOG na sa Korte Suprema si Ombudsman Conchita Carpio-Morales at hiniling na pawalang saysay ang Temporary Restraining Order na inilabas ng Court of Appeals sa pagpapatupad ng anim na buwang suspension ni Makati Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay.
Napapaloob sa isang 31-pahinang petition for certiorari and prohibition na ipinarating kahapon, sinabi ng Ombudsman na ang Six Division ng Court of Appeals ay umabuso sa paglalabas ng dalawang resolusyon na may patungkol sa TRO na may petsang ika-16 ng Marso sa anim na buwang preventive suspension and resolusyon noong ika-20 ng Marso na nag-uutos sa Ombudsman na magpahayag sa kahilingan ni Mayor Binay na sampahan ng kasong contemp sa pagtangging igalang ang restraining order.
Samantala, nag-utos naman ang Korte Suprema kanina sa Court of Appeals at kay Mayor Jejomar Erwin Binay na maglahad ng kanilang posisyon sa petisyong mula kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na humiling na pawalang saysay ang restraining order na inilabas ng Court of Appeals. Binigyan ang Sixth Division ng Court of Appeals at si Mayor Binay ng hanggang Lunes, ika-anim ng Abril na magsumite ng kanilang mga pahayag.
1 2 3 4