|
||||||||
|
||
Headline inflation umabot sa 2.4%
SA pagbaba ng presyo ng pagkain, partikular ang bigas at karne, bumaba rin ang headline inflation sa 2.4% noong nakalipas na Marso mula sa 2.5% noong Pebrero at mula sa 3.9% noong Marso 2014.
Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa kanilang pahayag ngayong Martes.
Ani Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan ang pagluwag ng growth rate ng halaga ng bigas ay naganap sa pagkakaroon ng sapat na naimbak na bigas. Mas mababa ang food inflation sana kung hindi mataas ang halaga ng gulay at isda dahilan sa pagbabago ng panlasa ng mga mamamayan dahilan sa nakalipas na Kuwaresma.
Idinagdag pa niya na ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain ay nagmula rin sa pangako ng mga panadero sa Pilipinas na nagbawas ng presyo ng tinapay sa pagbaba rin ng transportation at production costs dahilan sa pagbaba ng presyo ng petrolyo.
Ang inflation sa non-food items ay tumaas ng bahagya at nakarating sa 0.9% noong Marso mula sa 0.6% noong Pebrero dahilan sa mas maluwag na pagbaba ng halaga ng kuryente, gas at iba pang fuels price at paggamit ng mga personal na sasakyan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |