|
||||||||
|
||
Deputy prime minister ng Thailand at Foreign Affairs secretary ng Pilipinas, nagkita
NAGKITA sina Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario at Thai Deputy Prime Minister and Foreign Minister Tanasak Patimapragorn kahapon at kanina bilang bahagi ng kanyang pagpapakilala sa mga kasaping bansa ng ASEAN. Bilateral issues ang kanilang pinag-usapan tulad ng mahahalagang nagaganap sa daigdig.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, matagal na ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at maganda ang pagtutulungan sa larangan ng kalakal, tanggulang pambansa, pagsasaka at maging technical cooperation.
Nagpasalamat si G. Del Rosario sa Thai Royal Family, sa Royal Thai Government at maging sa pribadong sektor para sa kanilang ipinarating na tulong noong maranasan ang bagyong si Hagupit (international name – Ruby). Lumagda sila sa mekanismong pinamagatang Joint Commission for Bilateral Cooperation, Joint Commission for Military Cooperation at Joint Trade Commission.
Inanyayahan ni Deputy Prime Minister Tanasak si G. del Rosario na dumalaw sa Thailand para sa ika-anim na Joint Commission for Bilateral Cooperation Meeting na gagawin sa ikalwang bahagi ng 2015.
Nagkasundo silang payabungin ang pagtutulungan sa non-traditional teaching methods kabilang na ang paggamit ng ICT at paglaban sa illicit trafficking ng droga at sa larangan ng pagsasaka.
Umaasa ang dalawang opisyal na maipatutupad ang Joint Partnership Program na sumusuporta sa pagpapayabong ng kakayahan ng mga kababaihang mangangalakal sa Cambodia, Laos, Myanmar, Viet Nam, Bhutan, Bangladesh, Nepal at Timor-Leste.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |