|
||||||||
|
||
Pangulo ng mga gumagawa ng kotse, umaasang maiibsan ang krisis
NANINIWALA si Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI), na nadagdagan na ang supply ngmga plakang kailangan ng Land Transportation Office noon pa mang Enero at Pebrero ng 2015.
Sa pagkakaroon ng libu-libong mga sasakyang naghihintay ng kanilang mga plaka mula noong nakalipas na taon, naging malaki ang problema ng LTO at car dealers sa pagkuha at paglalabas ng mga plakang nagsimula kamakailan lamang.
Umaasa ang CAMPI, ani Atty. Gutierrez na magkakatotoo sa pinakamadaling panahon ang hangarin ng pamahalaan na mailabas ang lahat ng mga plakang kailangan ng mga motorista kasabay ng Official Receipt at Certificate of Registration.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |