Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Katayuan ni Mary Jane Veloso, baka magbago pa

(GMT+08:00) 2015-04-30 18:09:28       CRI

 

Katayuan ni Mary Jane Veloso, baka magbago pa

KAGULAT-GULAT ANG REPRIEVE KAY MARY JANE VELOSO. Ito ang sinabi ni Miniser Counsellor R. Toto Waspodo ng Indonesian Embassy sa Makati City sa isang panayam ng CBCPNews kanina. Buong akala umano nila ay tuloy na ang pagharap ni Bb. Veloso sa firing squad subalit nagbago ang lahat ng mabalitang lumantad na ang dalawang sinasabing nag-recruit kay Mary Jane na magdala ng bawat na gamot sa Indonesia. (Melo M. Acuna)

IKINAGULAT ng marami kahit sa pamahalaan ng Indonesia ang naging desisyong huwag munang ituloy ang parusang kamatayan kay Mary Jane Veloso na nakatakdang humarap sa firing squad noong Martes ng gabi.

Ito ang sinabi ni Minister Counsellor R. Toto Waspodo ng Indonesian Embassy sa Makati sa isang panayam ng CBCPNews kanina. Buong akala nila ay itutuloy ang paggagawad ng parusang kamatayan subalit nabatid ng kanilang pamahalaan ang pagdulog sa mga autoridad ni Christine Pasadilla na kilala rin sa pangalang Kristina Sergio sa mga pulis ng Nueva Ecija Province noong Martes ng umaga.

Humingi rin ng proteksyon ang kinakasama ni Pasadilla na isang nagngangalang Julius Lacanilao.

Sa katanungan kung hanggang kailan magkakabisa ang "reprieve," sinabi ni G. Waspodo na tanging ang hukumang may hawak ng kaso laban sa mga recruiter ang nakababatid. Sa kanyang pagkaka-alam, magiging saksi si Mary Jane sa usapin at bahala na ang hukuman kung ano ang kanilang gagawin.

Kung mayroong mahalagang makukuha sa magiging pahayag ni Mary Jane Veloso, may posibilidad na mabigyan siya ng konsiderasyon. Interesado ang pamahalaan ng Indonesia sa detalyes ng sasabihin ni Mary Jane Veloso sapagkat seryoso ang kampanya ng kanilang bansa laban sa iligal na droga.

May mga bilanggong nabibigyan ng clemency ayon kay Minister Waspodo at tanging ang kanilang pangulo lamang ang nagdedesisyon at nakapagbibigay nito.

Naibalik na sa Yogyakarta prison si Mary Jane Veloso kahapon at malamang na nagkita na ang mga magulang at ang napipiit.

Umaasa si G. Waspodo na higit na magiging malapit ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Indonesia at magiging kapaki-pakinabang sa magkabilang-panig.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>