|
||||||||
|
||
Kabataan ang pinakamaraming walang trabaho
ISANG araw bago sumapit ang Labor Day, ibinunyag ng IBON Foundation na karamihan ng mga walang hanapbuhay ay pawang mga kabataan. Ayon mismo sa pamahalaan, ang mga walang trabaho ay mga nakapagtapos ng high school at kolehiyo.
Idinagdag pa ng research group na pito sa bawat sampung walang trabaho ay mga nagtapos ng high school at kolehiyo. Nagaganap ito dahil kawalan ng trabahong maibigay ang industriya at pamahalaan.
Halos kalahati o 47.3% ng mga walang trabaho ay mula 15 hanggang 24 na taong gulang noong Enero ng taong ito. Halos ikatlong bahagi o 31.6% ng mga walang trabaho ay nasa edad na 25 haggang 34 na taong gulang.
Anang IBON, kahit pa mahalaga ang edukasyon sa lipunan bilang isang paraan palayo sa kahirapan, napupuna na tatlo sa bawat sampung walang trabaho ay nagkaroon ng college education at nakapagtapos ng pag-aaral. Pito sa bawat sampung walang trabaho ay nakapag-high school at nakapag-kolehiyo.
Noong 2014, 553,706 na nagtapos sa kolehiyo sa likod ng 518,000 trabahong nabuo noong 2013.
Bumababa umano ang bilang ng mga trabaho sa bansa dahil sa pagtanggi ng pamahalaan na magpatupad ng mga polisiya na pagpapalakas sa domestic economic sectors at mapalakas ang potensyal ng mga manggagawa sa larangan ng sakahan at domestic industries.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |