Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Katayuan ni Mary Jane Veloso, baka magbago pa

(GMT+08:00) 2015-04-30 18:09:28       CRI

Mga paaralang itinayo ng mga Americano, Australiano at Filipino, pinasinayaan

SYMBOLIC KEY, IBINIGAY SA PILIPINAS. Makikita sa larawan si Commodore James Mayer ng US Armed Forces na nagbibigay ng symbolic key sa mga paaralang itinayo nila sa Palawan kay Vice Admiral Alexander S. Lopez, ang Balikatan 2015 Director sa Palawan at siya ring Western Command chief ng AFP. Makikita rin sa larawan (ikaapat mula sa kaliwa) si Armed Forces of the Philippines Vice Chief of Staff Lt. General John Bonafos na naming panauhing pandangal sa seremonya. (Melo M. Acuna)

HINDI LAMANG GUSALI ANG NAITAYO. Ito ang sinabi ni Vice Admiral Alexander S. Lopez, ang Exercise Director ng Balikatan 2015 sa Palawan (na sa rostrum) sa kanyang talumpati. Anang vice admiral, ang mga gusaling ito ang simbolo ng pag-asa ng mga mamamayang umunlad ang kanilang kabuhayan. (Melo M. Acuna)

PINASINAYAAN ang apat na paaralan sa Palawan kahapon ng umaga. Namuno sa simpleng seremonya sina Lt. General John Bonafos, Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, Commodore James Mayer ng US Armed Forces at Commander Mark Jarret ng Australian Defense Force sa Barangay Santa Lourdes, Puerto Princesa City.

Ayon kay General Bonafos, ang pagtatayo ng mga paaralan ay isang malaking tulong sa mga komunidad lalo pa't ang mga paaralan ang huhubog ng kaisipan at pagiging mabuting mamamayan ng mga kabataan.

Ipinaliwanag pa ni General Bonafos na ang Humanitarian Civic Assistance ay mahalagang bahagi ng Balikatan Exercise 2015 sa higit na pagpapalakas ng "defense cooperation" at iba pang gawaing sibiko. Marami na rin umanong nagawa ang pagtutulungan ng mga sandatahang lakas ng Pilipinas at America. Malugod niyang pinasalamatan ang mga Australiano na nakiisa rin sa pagtatayo ng mga paaralan.

Kabilang sa mga gawain ang command post training at field training exercises at paghahanda sa anumang kalamidad tulad noong naganap na bagyong "Yolanda" noong 2013.

Para kay Vice Admiral Alexander S. Lopez, ang Western Command chief at Exercise Director ng Balikatan 2015 sa Palawan, ang pagtatayo ng mga paaralan ay malaking tulong sa komunidad sapagkat ang mga ito'y hindi lamang mga gusali bagkos ay mga gusali ng pag-asa, sapagkat sa pagkakaroon ng kaalaman ng mga kabataan, higit na uunlad ang alinmang komunidad.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>