Pamahalaan ng Pilipinas, nagpasalamat kay Pangulong Widodo
IPINARATING ng Pamahalaang Pilipino ang pasasalamat kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa "reprieve" na iginawad kay Mary Jane Veloso.
Ayon kay Kalihim Herminio "Sonny" Coloma, Jr., pinasasalamatan ng Pamahalaan ng Pilipinas si Pangulong Widodo at ang kanyang pamahalaan sa pagkilala sa kahilingang huwag munang isalang sa parusang kamatayan ang Filipina.
Sa pamamagitan ng "reprieve" makapagbibigay ng pahayag si Mary Jane Veloso kung paano siya nagoyo ng sindikatong sangkot sa droga na dalhin ang maletang naglalaman ng heroina. Mababatid rin ang human at drug trafficking activities sa pagitan ng mga bansa.
Kabilang si Bb. Veloso sa walong banyagang hinatulan ng kamatayan noong hatinggabi ng Martes.
1 2 3 4