|
||||||||
|
||
Malaking hamon kung paano mababago ang imahen ng mga kasambahay
PAGBABAGO NG IMAHEN NG MGA KASAMBAHAY, KAILANGAN. Ito ang sinabi ni Director Jagan Chapagain (dulong kaliwa) sa press briefing matapos simulan ang "Manila Conference on Migration 2015" na nakatuon sa kalagayan ng mga kasambahay. Na sa larawan din sina Philippine Red. Cross Chairman Richard J. Gordon (pangalawa mula sa kaliwa), POEA Administrator Hans Leo Cacdac (pangalawa mula sa kanan) atr si Qatari Red Crescent Society Secretary General Sale Ali M. Al-Muhanadi (dulong kanan) (Melo M. Acuna)
INAMIN ni Director Jagan Chapagain ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies na isang malaking hamon kung paano mababago ang imahen ng mga kasambahay sa iba't ibang bansa. Ang mga kasambahay ang naglilinis ng mga tahanan, nag-aalaga ng mga sanggol at bata, nagluluto ng pagkain at siyang nag-aalaga sa buong pamilya.
Malaki ang magiging papel ng Red Cross at Red Crescent volunteers na umaabot sa 17 milyon. Ang mga volunteer ang siyang magpaparating ng kaukulang impormasyon sa iba't ibang lipunan.
Mahalagang mabigyang-pansin ang dignidad ng tao kaya't kailangan ang positibong pananaw sa kapwa tao. Kailangang masimulan ang pagbabago ng pagkilala upang maibsan ang mga panganib na hinaharap ng kababaihan.
Umaasa si G. Chapagain na makakasama ang bagay na ito sa lalagdaang deklarasyon sa pagtatapos ng dalawang-araw ng pulong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |